Gracelyn Fairford "What is this place?" Napalibot ang paningin ko sa buong paligid pagpasok namin sa loob ng isang greenhouse rooftop na puno ng kumikislap na ilaw at mga halamang nakapaligid sa mga salaming dingding. Sa sobrang excitement ko kasi kanina ay hindi ko binasa ang karatulang nakapaskil sa labas ng pinto sa ibaba. Kitang-kita mula rito ang tanawin ng London skyline sa ilalim ng gabi. May nakahandang hapag sa gitna na may kandilang nakasindi at dalawang baso ng alak. Sa kaliwang bahagi ay makikita ang isang 'di kalakihang station bar, at may dalawang staff doon na abala. "A place just for us tonight," Kuya Bokbok answered with a smile. Pinisil niya ng bahagya ang kamay kong hawak niya. Napakagat-labi ako upang pigilan ang ngiti ko. Parang lumulukso ang puso ko sa mga san