Chapter Thirty Eight REBECCA BUMUHOS na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Tiningnan niya lang ako habang walang emosyon ang kanyang mga mata. "Huwag kang umiyak. Ginusto mo yan," aniya. My sweet Paeng is gone. Parang ibang tao na itong kaharap ko ngayon. He kissed me but it's not a passionate kiss. It's more like a torture kiss. PINALIS ko ang luha ko saka pilit na ngumiti. "I hope you will soon find forgiveness in your heart for me," saad ko saka inayos ang sando ko bago umalis. Kung gusto niyang gamitin ako ay papayag ako. Basta't patawarin niya lang ako. I still love him so much. Masakit man isipin, siguro ay deserve ko nga ang treatment niya sa akin. Matapos kong isara ang pinto ko ay muli na naman akong umiyak. Dati ay prinsesa ang turing niya sa akin, ngayon ay mukha