Chapter Thirty Nine

2386 Words

Chapter Thirty Nine PAENG NAGBAGO ang mood ko matapos marinig ang salitang mahal mula sa labi ni Rebecca kanina habang pinagsasaluhan namin ang init ng aming katawan. Gusto kong umiyak at maniwala ngunit mas nangingibabaw sa akin ang sakit sa salitang iyon. Naalala ko pa ang liham na iniwan niya na nagsasabi kung gaano siya nagsisising nakilala ako. Na ni minsan ay hindi niya ako minahal. Ayaw kong maniwala sa mga sinabi niya noon ngunit malinaw sa akin na wala akong silbi sa paningin niya dahil iniwan niya na lang ako noon ng basta basta. Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal. Ngunit mas maingat na ngayon ang puso ko dahil baka isa na naman iyong patibong para mahulog akong muli at iiwan niya lang kung kailan niya gusto. NAPAALIS ko na siya sa aking kwarto. Nakita ko ang sakit mula

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD