Kinaumagahan, maagang nagising si Lilian kaya siya na ang nagboluntaryong magluto ng kanilang almusal. Simple lang naman ang paboritong pagkain ni Alexander kapag nasa isla at natandaan pa rin naman niya ang lahat ng gusto nitong kainin tuwing umaga. Isa pa, sanay naman siyang ipagluto ng pgkain ang lalaki noon pa man. Iba lang talaga ang sitwasyon noon kasi katulong siya ni Alexander. Pritong danggit, scrambled egg at sinangag na kanin ay sapat na para sa lalaki. Pero syempre nagluto rin siya ng spam kasi iyong ang gusto niyang kainin. Sa kanyang tingin ay kailangan nilang mamalengke ni Alexander upang bumili ng preskong gulay at isda. Bahagya niyang kinagat ang kanyang labi habang hinintay na kumulo ang tubig na may tableya. Simula kasi nang tumira siya sa Oslob ay nasanay na rin siy