"Buntis? Hindi ka ba nagpi-pills? You tricked me!" dumadagundong ang malakas na boses ni Alexander sa loob ng bahay na nirerentahan sa Santiago. "Anong alam ko tungkol sa mga pills na iyan?" Lilian reasoned out. Yes, makabago ang kanyang pananamit at sunod sa uso ngunit may respeto rin naman siya sa kanyang sarili at never pa niyang nagawang makipagtalik sa ibang lalaki. He promised and she believed him for goodness sake! "My God, Lilian. Did you expect me to marry you?" Sinigawan ni Alexander ang babae at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Hindi niya inasahan ang pagsigaw ni Alexander sa kanya kaya sobra siyang nasaktan. Hindi lang ang kanyang ipinagbubuntis ang inayawan nito, kundi pati na rin siya. "Pero sabi mo pananagutan mo ako," gumaralgal ang kanyang boses habang ipinaalala