Halos hindi makapaniwala si Lilian nang makarating sila ni Alexander sa kanilang destinasyon. Nakatulog kasi siya kanina sa biyahe kaya hindi niya masyadong nakita ang kanilang dinaanan. “Bakit dito?” tinanong niya si Alexander dahil nagtaka siya kung bakit bumalik sila sa lugar kung saan sila unang nagkakilala. Tumabi siya sa babae habang pinagmasdan nito ang isang bungalow na bahay na gawa sa kawayan at nipa. Sa labas ay parang native house tingnan ang naturang homestay ngunit moderno ang mga kagamitan nito sa loob. “Gusto kong palitan ang mga memorya natin dito,” pahayag ni Alexander. “Ano?” Gulat na nagtanong si Lilian. “At paano mo naman gagawin iyon, aber?” Duda siya sa gustong mangyari ni Alexander kasi ilang taon na rin naman ang nakalipas at hindi siya sigurado kung natandaa