Hindi inasahan ni Lilian ang isang malakas na sampal mula sa kanyang ina. Mali ba ‘yong ginawa niya? Mali ba ‘yong hindi niya nagustuhan ang pangingialam ni Philip Madrigal sa kanyang buhay? Ano ang karapatan nito? “Okay ka lang ba?” Tinanong ni Alexander ang babae dahil simula nang umalis sila sa bahay ay tahimik pa rin si Lilian. “Bakit parang kasalanan ko ang lahat? Mas kinampihan pa ni Mama ang lalaking ‘yon!” Bulyaw ni Lilian. “Pagbalik natin sa bahay ay kakausapin natin ang iyong ina,” sabi ni Alexander. Pagdating kasi sa usapang pangpamilya, medyo wala siyang alam dahil hindi ganun ka perpekto ang kinalihan niyang pamilya. “Ah basta! Ayoko talaga sa lalaking ‘yon!” Giit ni Lilian. Matatanggap niya si Marcus bilang kapatid, ngunit si Philip? No way! “Kalimutan mo muna si Phi