Kinabukasan, maaga siyang pumasok sa opisina upang personal na maobserbahan si Janella. Pakiramdam ni Alexander ay may koneksyon ang kanyang sekretarya sa babaeng nakita niya kahapon. “Morning boss,” masayang bumati si Janella sa kanyang boss nang makita itong pumasok. “Morning din, kumusta na ang pakiramdam mo?” Tinanong niya ang babae at gaya ng kanyang inasahan ay ngumiti lang ito. “Okay na po,” sumagot ang babae. “Mabuti naman kung ganun, by the way, paki-request naman mula sa HR ang mga 201 ng mga staff. Titingnan ko para sa performance bonus,” sabi niya. “Okay po.” May kausap siya sa telepono nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at galit na pumasok si Philip Madrigal. “Okay lang, Janella.” S