Mas lalong naguguluhan si Alexander sa mga pinagsasabi ni Philip kasi hindi naman siya nag-process ng death claims para sa mga insurance policies ni Claire. Ganunpaman, hindi niya maintindihan ang ama ni Lilian kung bakit hinalungkat nito ang kanyang nakaraan. “Wala akong alam sa mga sinasabi mo,” sumagot siya dahil totoo namang wala siyang alam tungkol sa sinabi ni Philip na insurance. Oo nga at alam niyang may mga policies si Claire ngunit hindi niya kinua ang proceeds nito. “Talaga? Eh ano ‘to?” Ihinagis ni Philip kay Alexander ang isang envelope na naglaman ng mga dokumento na may kinalaman sa pagkuha ng death claims para sa yumaong si Claire Villamonte. Binuksan ni Alexander ang envelope at tumambad sa kanyang harapan ang mga dokumentong nagpatunay na nakuh