Kanina pa napansin ni Lilian na medyo balisa si Alexander pero nahiya siyang tanungin ito. Handa naman kasi siyang maghintay kung kailan may sasabihin sa kanya ang lalaki basta hindi lang tungkol sa kasal. “Kailangan kong pumunta sa opisina,” pagkuwa’y sabi ni Alexander upang magpaalam na rink ay Lilian. “Urgent ba?” Nagtanong si Lilian kasi kung importante naman ay wala siyang balak na sumama pa. “Medyo. Pero makakabalik na yata ako after three days,” sabi ni Alexander. “No problem basta ‘wag kang mambabae doon,” bilin ni Lilian sa kanyang mapapangasawa. “No!” giit ni Alexander. “Committed na ako sayo kaya ‘wag kang mag-alala,” panigurado niya sa babae. Isa pa, wala na siyang balak na maghanap pa ng iba. Kuntento na kasi si