Kung nagulat ang dalawag matanda sa kanyang pagbabalik, mas nagulat siya sa kanyang naabutan. Hindi niya inasahan na maabutan ang mga magulang na nagtatalo. Bawat isa ay may katwiran at ayaw magpatalo. “My God, naririnig n’yo ba ang inyong sarili? Para kayong mga walang pinag-aralan!” Napailing na lamang siya habang pinagalitan ang kanyang mga magulang. “Hindi na kayo nahiya!” Dagdag pa niya. “Lil, bakit ka bumalik?” Nagtanong si Paloma. Hindi siya sumagot at inilapag sa mesa ang dala niyang brownies upang ipares sana sa kape at inirapan ang dalawa bago siya umupo. “Naisip ko sana na bigyan siya ng chance pero ‘wag na lang,” sabi ni Lilian at nang tumingin siya sa gawi ni Philip ay natulala ito. “Totoo ba ang sinabi mo, Lil?” Nagtanong