Malapit na siyang makatulog nang pumasok si Lilian sa kanyang silid. Mag-isa lang siya dahil dinala ni Patty si Arianna sa silid nina Lilian at Vanessa. Naroon din kasi si Thalia kaya panigurado na makipagkwentuhan ng matagal si Patty. She heard the click of the doorknob and she didn’t bother to open her eyes when Lilian sat down on the edge of the bed. “Ang bilis mo naman,” nakapikit pa rin ang kanyang mga mata habang tinanong ang babae. “Dani…,” ibinulong ni Marcus ang pangalan ng babae. Napabalikwas ng bangon si Daniella nang makilala ang boses ni Marcus Madrigal. “Ano ang ginagawa mo rito?” Tinanong niya ang lalaki. “Sinabi ko na sayo na akin ka lang,” deklara ni Marcus bago niya muling pinahiga sa kama si Daniella. Nagpumiglas ang