Aminado si Jessica sa kanyang sarili na hindi na mag-aasawa unless it's Sam. Kung papayag siya, may pitong taon siya na makasama ang lalaki sa isang bahay. Enough na sa kanya ang makita ito araw-araw kaysa hindi. Kung hindi naman siya papayag,napaka-hipokrita naman niyang tao! “Okay, payag akong makasal tayo kahit temporary lang.” Sabi niya sa lalaki. “Mabuti kung ganun. Okay ka lang ba kung uuwi na muna ako sa amin? Sisimulan ko ng ayusin ang mga papeles para kasal natin,” sabi ni Sam. Tumango si Jessica dahil walan naman talaga siyang magagawa pa kung gusto nitong umuwi sa kanilang bahay. “Sige, ikaw ang bahala.” Sumagot siya. Nang makaalis na si Sam, malungkot niyang pinagmasdan ang mga magagandang bulaklak sa kanilang hardin. Paano naman kasi, hindi iyon ang pinangarap niyang propos