PAGBALIK namin sa silid ni Lola ay ganun na lamang ang gulat ko sa naaktuhan namin. "Joy!" sigaw ko sa kapatid ko. Kamuntik nang malaglag ang panga ko nang makita kong nasa kandungan na siya ngayon ni Zean at nakaupo nang paharap. Pinipisil-pisil niya ang mga pisngi ni Zean, pati ang ilong at mga labi habang ang mga kamay nito ay nasa likod at mukhang nakagapos! Napalingon naman sila sa amin. Kaagad na ngumiwi ang mukha ni Zean na parang naiiyak. "Help, Didi! Nire-rape ako ng kapatid mo. Cannibal yata 'to." "Ang pogi niya, Ate!" Kaagad ko silang nilapitan. Hinila ko ang buhok ni Joy para maalis siya sa kandungan ni Zean. "A-Aray ko naman, Ate. 'Yong buhok ko." "Sinabi ko na sa iyo, tigil-tigilan mo ang kakatihan!" Inilayo ko siya kay Zean at dinala sa isa pang single sofa. Doon k