"THIS is ... about Dad." May pag-aalinlangan akong nababasa sa kanya. "Kay Tito Damien?" Marahan siyang tumango. "Ito ba 'yong ... madilim na nakaraan niya?" Muli siyang tumango. "Love ... hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin ang sikreto ng Dad mo. Sa Dad mo na 'yon." Muli siyang tumitig sa akin nang may pagsusumamo. "Because I'm hoping ... that you might understand why I did it." Nangunot naman ang noo ko. "A-Ano'ng ibig mong sabihin? ... Ang alin?" Tumingala siya at muling huminga ng malalim. Muli rin siyang yumuko at tumitig sa akin, ngunit ngayon ay nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. Bigla naman akong nag-alala. "Love..." "Dad was ... a victim of abuse ... back then," mahina niyang sambit, ngunit nagpaawang naman sa mga labi ko. "W-What?" "Simula bata