"MAMA, 'yong mga pangarap natin at pangako ko sa inyo, matutupad pa rin po ang lahat ng 'yon kahit may asawa na ako," ani ko kay Mama. Nakahiga na kaming tatlo dito sa ibaba ng kama ni Lola. Nasasapinan ng mattress ng kama ni Mama ang sahig. Si Joy ay humihilik na sa kabila niyang tabi at kaming dalawa na lamang ni Mama ang gising. Napapagitnaan namin siya ni Joy at pareho kaming nakayakap sa kanya. "Huwag mo nang alalahanin pa 'yon. Ang pagtuunan mo na ng pansin ngayon ay ang pamilyang papasukan mo." "Mama, pwede ba namang basta ko na lang tatalikuran 'yong pangako ko sa inyo? Basta matutupad pa rin ang lahat ng 'yon. Magtatrabaho pa rin ako kahit kasal na kami ni Dame Lei." "Hahayaan ka pa kaya niyang magtrabaho gayong isang bilyonaryo 'yang mapapangasawa mo? ... Alam kong malaki an