Kahit ayaw niya may sariling isip ang kanyang labi na tumugon sa halik ni Sebastian. Kahit anong sigaw ng kanyang isip na huwag siyang bumigay sa halik nito, iba ang sinisigaw ng kanyang katawan. Kusang gumanti ng halik ang kanyang labi, kusa ding pumikit ang kanyang mga mata para namnamin ang masarap at malambot na labi ni Sebastian. Marahil dahil na rin sa age difference nila ni Sebastian kaya halata niyang expert na expert na ito sa paghalik habang siya nangangapa pa at pilit sumasabay sa ikot ng labi nito. Na eskandalo siya nang maramdaman hindi lang labi ang gamit ni Sebastian sa paghalik sa kanya, umiikot na rin kasi ang dila nito sa loob ng kanyang bibig bagay na hindi niya magawang sabayan dahil hindi niya alam kung paano. Halos pangapusan na siya ng hininga nang pakawalan nito