Agad niyang tinawagan ang lolo at lola niya nang iwan siya ni Troy sa guest room kung saan siya mag stay pagsamantala. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili sa bahay ni Troy. Hindi naman kasi siya pwedeng mag stay ng matagal. Iyon nga lang wala naman siyang mapupuntahang iba. "Bakit daw po nila ako hinahanap?' Tanong niya sa lola niya nanh sabihing may naghahanap sa kanya sa bahay nila nang umalis siya. "Wala namang sinabi apo, basta ang sagot ko kase sa kanila nakaalis ka na at pabalik ka na ng Maynila,' tugon ng lola niya sa kanya. "Nasa bus ka na ba?' Tanong pa ng lola niya sa kanya. "Opo Lola,' pagsisinungaling na lang niya rito para hindi na ito mag-alala pa sa kanya. Bago siya nagpaalam sa lola niya sinabi niya ritong tawagan siya agad pag may bumalik pa na nagha