MARTHA MATAPOS ang hapunan ay nagpaalam na rin kami kila nanay. Medyo marami na ring dumadalaw sa burol ng kapatid ko at napag-alaman kong sa susunod na araw na ang libing niya. Masakit man sa akin ay kailangan kong tanggapin ang lahat ng ito. Nasa sasakyan na kami, pauwi nang magtanong si Arthur sa akin. "So where do you plan to stay tonight?" he asked. Tulog na si Hercules sa aking kandungan kaya't hindi na niya kami maririnig. "Alam mo namang ako ang guardian ni Hector, hindi ba? So, I hope you understand kunh doon kami dederetso ng anak ko." "Pero susundan kita bukas. You need to to have your check up." Naalala kong bigla ang pagbubuntis ko. Habang lumilipas ang araw ay lumalaki na rin ang tiyan ko. Mas lalo na itong nagiging obvious ngayon at alam na ng aking pamilya. Hindi k