MARTHA "ANAK, Lola nanay would like to see you." "Let's bring my tatay." Hindi ko magawang pilitin ang anak ko na sumama sa akin na hindi kasama si Hector. Nakayakap siya sa ama at hindi siya bumibitaw dito. "Anak, babalik din naman tayo. I promise." "But my tatay will be alone here." "She said, you'll be back after dinner, big man." Hinimas ni Hector ang likuran ng anak. Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay kalmado lang at hindi rin kakikitaan ng kahit na anong emosyon. "Come on, anak. Let's go na. Para madali lang tayong makabalik." Nakaligo ay nakabihis na rin naman ang anak ko kaya't pwede na kaming umalis ngayon. Naghihintay si Arthur sa labas at sinabi niyang ako na lamang ang umakyat upang kunin si Hercules. Kaaalis lang ni Madget at ngayon ay mag-iisa si Hector dit