AKAY-AKAY ni Izu ang kapatid niyang si Venus papunta sa kalupaan. Wala itong malay dahil sa ginawa niyang atake rito. Alam naman niyang hindi iyon maiiwasan ng nakababata niyang kapatid, pero kailangan niya iyong gawin upang malaman ang antas ng kapangyarihan ng kapatid. "Napakababa pa ng kapangyarihan mo. Malayo pa para makasabay ka sa mga alagad ni Lucifer..." sabi ni Izu sa sarili. Siya dapat ang pumupunta sa Elementalika para labanan sina Lucifer pero may mga bagay siyang inaasikaso sa Mundo. Lingid sa kaalaman ng marami, magmula nang makarating ang ilan sa mga taga-Elementalika sa mundo ng mga tao ay may ilang bagay na ang nagbago rito. May ilang indibidwal na ang nagtataglay ng kapangyarihan. Ang ilan sa mga ito ay hindi pa lumalabas at may ilan ding alam na. Halimbawa nito ay si J