ANG Underground Arena ni Lolo. Isa raw iyong lugar sa isang malayong planeta. Tulad iyon ng portal na ginagawa ng Lolo't Lola ni Venus. Hindi si Lolo Mera ang may gawa ng pintong iyon kundi si Reyna Claudia. Nakatakda raw akong magsanay roon at nangyari nga. Ang lugar na may napakalakas na gravity at may oras na mas mahaba kumpara sa Mundo. Bagay na bagay raw iyon para sanayin ako na hindi ko naman alam kung bakit. Dati, magkaedad lang kami ni Venus pero ngayon ay mas matanda na ako ng limang taon sa kaniya. Mabuti na lang at may tatlong linggo kaming ibinawas ni Lolo sa training, ayaw raw niya akong tumanda nang sobra. Bente anyos na ako. Medyo tumangkad na at nagkaroon ako ng bigote. Nagpagupit na rin ako ng buhok noong isang araw dahil parang babae na ang haba nito. Kung makikita ako n