"AKO nga pala si Terrance. Twenty five at ako ang Maharlika ng Land Kingdom," pagpapakilala sa akin ng lalaking katabi ang isang batang babae na may subong lollipop. Mas matangkad siya sa akin at mukhang mas may tikas yata kumpara sa katawan ko. Nakangiti siya at mukhang masayahin. "O, ikaw naman," mahina pa niyang sinabi sa kaniyang katabing bata. "Nep. Eight." Iyon lang ang sinabi naman ng batang may subong lollipop. Mukha ring masungit at suplada. Ang sama pang makatingin. Napansin ko rin ang marka sa kaliwang braso niya. Mga guhit iyon na parang ipo-ipo, mukhang iyon ang simbolo ng hangin. "Rarara! Pasensya ka na. Ganito lang talaga ang batang ito. Siya si Neptune, eight lang siya. Siya ang Air Princess," sabi ni Terrance sa akin. Ipinakilala niya uli iyong bata. Ibig-sabihin bata p