Apoy 38

1444 Words

ISANG biglaang pagsasalo sa gitna ng plaza ng Cleyanero ang agad inihanda nang malaman nilang kami ay mga Maharlika. Matatapuan ang plaza sa silangang bahagi ng lungsod. Medyo lumayo na kami sa ginintuang kampana. Napakalawak ng lugar na pinagdalahan nila sa amin. Kitang-kita ko rin sa mga mata nila ang tuwa na hindi ko alam kung bakit. Isang mahabang lamesa ang tulong-tulong nilang dinala sa aming harapan. Sa isang iglap ay napuno iyon ng iba't ibang klase ng pagkain. Isang litsong buwaya yata ang nasa gitna na napapalibutan ng tila kanin na nakalagay sa apat na malaking plato. Kasunod noon ay ang mga karneng hindi ko alam kung ano'ng hayop na makikita ang hawakang buto nito. Nakasawsaw ang mga iyon sa likidong kumikislap na parang magpapasarap doon. Mayroon ding mga bariles na sa palaba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD