NAGULAT ako nang isang dragon ang lumabas sa likuran ng kalaban ko. Isang dragon na buhangin. Nakita ko rin na mas lalong lumakas ang aura ng nilalang na nasa harapan ko. "Hinding-hindi mo ako matatalo Alpiro! Kyarararara!" seryoso niyang sinabi at narinig ko rin ang halakhak niya. Sa pagkakataong ito ay isa lang ang sigurado ko, isa rin siyang Maharlika. Mahihirapan akong kalabanin ang isang ito kung may kasama siyang dragon. Hangga't maaari nga ay sa malalakas na kalaban ko lang sana gagamitin ang Fire Dragon ko. Naalerto na ako nang mapansin ang paggalaw ng kalaban ko. Mukhang papaatakehin na niya ang kanyang dragon. Inihanda ko ang sarili ko. Kailangan ko rin munang subukan kung kaya ko bang sabayan ang kapangyarihan at lakas nito. "Sugod aking dragon!" sigaw niya at umatungal nan