NARAMDAMAN kong parang lumulutang ako. Napamulat ako ng mata at nakita ko si Lolo Mera. Buhat-buhat ako sa kanyang balikat. Naglalakad siya sa isang napakalawak na disyerto. Kasama namin ang napakaraming Terranian. "Lolo? Ano'ng nangyari? Nasaan na tayo?" tanong ko at napatigil si Lolo. Nabigla ako nang ihampas niya ako sa buhangin. Nagulat din ang lahat dahil doon. "Sira-ulo kang bata ka! Apat na araw kang tulog... At apat na araw rin kitang akay-akay!" sabi ni Lolo. Narinig ko pang napatawa sina Venus sa akin. Napakamot-ulo na lang ako. Bigla pang kumalam ang sikmura ko. "Lo, wala ba tayong makakain?" Nasabi ko at bigla akong sinuntok nang malakas ni Lolo. Bumaon tuloy ang katawan ko sa buhangin. "Sira ulo! Hindi ka man lang nagpasalamat muna sa akin!" Narinig ko pang maraming tumaw