ISANG halimaw na may sungay at pakpak ang biglang tumapos sa mga kasamahan namin sa isang iglap. Ramdam na ramdam ko ang lakas at tindi ng itim niyang aura. Nakakapangilabot. Pakiramdam ko ay napapalibutan niya kami kahit mag-isa lang siya. Pero ang ikinagulat ko nang oras na iyon, nang biglang maging itim ang kulay ng apoy kong Phoenix. "Zihahaha! Paano ba 'yan? Mukhang akin na ang maalamat na apoy na ibon?" Sabi niya sa amin. May ideya na rin ako na baka si Lucifer ito. Ewan ko nga lang sa sarili ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Sinubukan kong pasunurin ang Phoenix, pero bigo ako. Bagkus ay binugahan kami nito ng itim na apoy. Nakaiwas kaming lima sa atakeng iyon. Mabilis ko namang pinagliyab ng asul na apoy ang braso ko. Gusto kong mabawi ang Phoenix. Sa isang kisap-mata ay