Chapter sixty nine LOU Nabibigla ako sa mga tinatanong sa akin ng asawa ko, hindi ko alam kung nagtitiwala pa ba siya sa akin o nakikisama na lang dahil ako ang asawa niya. Bigla niya akong tinanong tungkol sa pangalang Terrence, bakit kaya niya tinanong yun? hindi tuloy ako makasagot ng maayos. Pagod ako kaya hindi masyadong gumagana ang aking utak. “ Ba-bakit mo natanong?” “ Kase may napansin ako, tuwing makakarinig ako ng pangalang Terrence noon biglang umiiba ang pakiramdam at takbo ng utak ko, tapos may tumawag din sa akin ng Terrence noon sa party, kaya parang may koneksyon ako sa pangalang Terrence, wala ba talaga tayong kakilalang ganiyan ang pangalan?” Napapalunok ako sa mga tanong ni Terrence, hindi pa nga kami nakakalayo sa restaurant ang dami na niyang tanong sa akin. “