Chapter seventy LOU Nagbantay kami ni Terrence buong gabi kasama si mama, kahit na nakaupo lang kami dahil sa ward lang naman dinala si papa, hindi namin kaya magbayad ng mahal. Nakakaidlip na ako habang nakaupo, mabuti na lang sinasalo ni Terrence yung ulo ko at pinapatong agad sa kaniyang braso. “ Gusto mo na bang umuwi? Ako na magbabantay sa kanila.” Sabi ng asawa ko. “ Ayoko, dito lang ako, kaya ko naman.” “ Sigurado ka ba? Antok na antok ka na, wala kag mapwepwestuhan dito.” “ Ayos lang.” Hindi ako sanay ng ganito, ngayon lang naospital ang papa ko, hindi naman sila nagkakasakit ng ganito noon, ngayon lang naconfine si papa, mas malakas pa nga sa kalabaw to pero biglang nagkaganyan. Halata kay mama ang pagod at puyat, antok na antok na siya pero wala kaming pwedeng tulugan di