***DHENNA*** Tahimik na sumisipsip ng kanyang in-order na juice si Dhenna. Nasasarapan siya sa inumin kahit na hindi naman niya first time sa restaurant na kanyang kinaroroonan ngayon. Well, siguro ay dahil sa maganda ang mood niya. Tingin nga niya walang makakasira ngayon sa sobrang kasiyahang nararamdaman niya. Sa wakas kasi ay pumayag ulit na makipagkita at makipag-usap si Randy sa kanya. At ano pa bang ibig sabihin ng pagpayag ni Randy na makipagkita sa kanya? Of course, iyon ay dahil hindi na rin siya nito matiis. Malamang ay nami-miss na rin siya ni Randy. Napangisi siya. Sino pa bang lalaki kasi ang makakatiis sa babaeng virgin? Sa panahon ngayon mas madali nang makahanap ng dyamante kaysa makatayempo ng babaeng buo pa. Ibig sabihin suwerte na si Randy sa kanya. Malamang sa p