***DHENNA*** “Banklink Financing Office, Dhenna speaking,” sagot ni Dhenna sa tumatawag. Nandoon na ulit siya sa kanyang trabaho. Pumasok na ulit siya. Sobrang bilis ng araw, halos hindi niya namalayan na may pasok na siya, na ubos na ang kanyang vacation leave. At ang totoo, ayaw niya pa sanang pumasok dahil nanghihinayang siya sa nabubuo na nilang masayang pagsasama ni Randy. Unti-unti ay nagiging maayos na kasi sila. Wari ba’y in just one snap ay siya na ang itinuturing nitong asawa. Nagtataka rin naman siya at parang may mali pero wala na siyang angal. Ayaw na niyang mag-inarte at mag-overthink. Tama ang sinabi sa kanya ni Tita Saima niya na magpasalamat na lang siya at kasama na niya ngayon ang lalaking mahal na mahal niya. “Dhenna, it's me Darren. Put me through to Kuya Jonat