SA BUONG tatlumpong-taon na nabubuhay si Timo ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba—kaba na hindi dulot ng takot na mabaril, masaksak o kahit ano pang delikadong bagay na maaaring matamo niya sa mga komplikadong operasyon sa trabaho—kundi kaba na dulot ng takot sa hindi pagtanggap sa kanya ng sariling anak. Na baka hindi ang katulad niya ang inaasahan nitong ama, na baka sa murang isip nito ay sumagi ang mga nakatatakot na dahilan para itakwil siya nito bilang ama. Nanatili siya sa kinatatayuan niya hindi kalayuan sa mag-inang masinsinang nag-uusap. Mula sa puwesto ay tanaw niya ang bawat patak ng luhang umaagos sa pisngi ni Chrysantha habang maingat na ipinapaliwanag sa apat na taong gulang nilang anak ang katotohanang dapat nitong malaman. Lumipas pa ang ilang sandali, nag