“PARA sa'kin 'to?” abot-tainga ang ngiting tanong ni Chrysantha habang titig na titig sa pumpon ng mga kahel na Chrysanthemum na bigay niya. “Happy 19th birthday! Nagustuhan mo ba?” balik-tanong ni Timo. Hinanap niya ang dalaga sa buong barrio nila at dito sa dalampasigan ng Balesin niya ito natagpuan. “Sobrang ganda…” nakayukong komento nito. Napakunot-noo siya dahil hindi ito nag-aangat ng tingin sa kanya. “Hindi mo 'ata nagustuhan, eh?” Umiling-iling ito, mayamaya ay kinusot ang mga mata, tumingala ito sa kanya at pinilit na ngumiti sa kabila ng mga luhang umaagos sa pisngi. “Sobrang ganda, nagustuhan ko. Hindi mo nakakalimutan ang birthday ko, salamat…” “Eh, bakit ka umiiyak?” yumuko siya para magpantay ang mga mukha nila. “Sabihin mo sa 'kin, makikinig ako.” Pero sa halip na sum