IMINULAT ni Chrysantha ang mga mata nang may maulinigang mga boses na nagsasalita. Nakakasilaw na liwanag mula sa fluorescent light ang sumalubong sa kanya. “Over-fatigue and anemia ang naging dahilan sa pag-collapse niya. Masyado rin mababa ang immune system ng pasyente kaya umabot sa 40 degrees ang temperature niya,” narinig niyang sabi ng isang boses ng babae. “Salamat,” sagot naman ng pamilyar na baritonong tinig. Sinubukan niyang imulat muli ang mga mata, bumaling siya sa pinanggalingan ng mga tinig at nag-aalalang mukha ni Timoteo ang una niyang nakita. “T-Timo?” sambit niya sa paos na tinig, nananaginip ba ako? Totoo bang bumalik na siya? Tanong ng isip niya. Bumilis ang bawat patibok ng puso niya sa pananabik, pero agad din napalis at napalitan ng galit nang maalala ang mga map