“CHRYS, nabayaran ko na 'yong hospital bills ni Teyo, kaya bukas daw puwede na siyang umuwi,” masayang balita sa kanya ni Maira. “Nakabili na rin ako ng immunosuppressants ba 'yon? Ah, basta maintenance daw 'yon para sa bagong puso ni Teyo, mamaya ipapaliwanag ni Doc kung paano ang medication no’n.” Nakahinga siya ng maluwag. “Talaga? Salamat Maira, pero teka, saan ka nakakuha ng pambayad at pambili sa mga gamot?” takang-tanong niya, noong matapos din kasi ang heart transplant ng anak ay ito rin ang naghanap ng pambayad sa operasyon. “May kakilala akong Loan shark na mabait, 'wag mo nang intindihin 'yon, ang importante makakalabas na itong guwapong pamangkin ko,” sagot nito at hinagkan sa noo ang anak niya. Isang bwan na ang nakalipas matapos ang operasyon ng anak niya sa puso, laking p