“CHRYSANTHA, huminahon ka, paparating na ang mga pulis, kung hindi ka kakalma hindi ka makakapagbigay ng maayos na impormasyon sa kanila,” pilit siyang kinakalma ng kaibigang si Maira. Tinawagan ni Maira ang kaibigang si Lavender para pabantayan muna ang anak niya sa kuwarto nila, katatapos lang ng operasyon nito at hindi makakabuti sa puso nito ang makasaksi ng ganitong nakakahilakbot na tanawin. Pinalibutan na ng yellow tape ang patay na katawan ng kaibigang si Drey. Hinihintay na lang nila ang Medical Examiner na mag-eexamine muna sa bangkay bago ito ideretso sa City Morgue para i-autopsy. Hindi niya maialis ang mga mata niya sa kawawang kaibigan na nagpunta pa sa kanya sa kabila ng malubha na nitong kalagayan para lamang masabi sa kanya ang plano ng nakakulong na amo. Nanginginig an