NANGANGATOG ang mga tuhod ni Shine habang nakatutok ang baril na hawak niya kay Avery. At panay ang pahid niya sa kaniyang pisngi dahil kanina pa siya umiiyak. Natatakot siya para sa sarili niya at para sa magiging anak niya. Nasa ikalimang palapag sila ng apartment building. Dumidilim na ang buong paligid ngunit nanatili silang nagtitinginan ni Avery. "O, ano? Magtitigan na lamang ba kayo? Hindi pa ba kayo magpapatayan, kanina pa ako naghihintay!" sigaw ni Gwen. "Napakasama mo talaga, Gwen Bakit hindi na lang ako ang patayin mo. Kaysa mandamay ka pa! Kung may galit ka sa akin... ako na lang... huwag mo nang idamay si Avery." "Manahimik ka, Shine. May atraso rin sa akin ang bruhang iyan. Sa halip na magpasalamat ay ginawa niya akong traydurin. At ang nakakabuwisit, sinira niya ang mukha