Sinenyasan ni Erin si Kristoff na makipagpalit ito kay Caleb ng puwesto. Pero dinededma raw ito ng binata. Gustong-gusto na niyang umalis sa puwesto at mag-backout na lang. Pero siguradong makakaagaw siya ng pansin at masabihan na killjoy. Siguradong magiging tampulan na naman siya ng topic ng mga 'Marites'. Sinimangutan ni Erin si Caleb pero dedma lang din siya rito. Parang hindi siya nakikita. Gusto niyang isipin na hindi nito alam na siya ang makakapareha kaya sumali ito. Pero imposible dahil kitang-kita naman. Ano kaya ang pinaplano niya? Tila nabuhayan ng loob si Erin nang makita niya si Matt sa isang sulok. Gusto sana niya itong senyasan na bumalik na sa puwesto. Pero hindi niya alam kung hindi ba siya nito nakikita o sinasadyang huwag tumingin sa kaniya. Kumabog ang dibdib ni