Nanlaki ang mga mata ni Erin nang mabilis na binuksan ni Caleb ang pintuan ng kotse ni Kristoff at sapilitan siyang ipinasok doon. Halos pabalya siya nitong pinaupo sa backseat at malakas na isinara uli ang pintuan. Nakaramdam siya ng takot sa pinapakitang pagiging agresibo ni Caleb. Parang ano mang oras ay handa itong saktan siya kapag nanlaban pa siya. Gusto niya itong amuin. Subalit batid niyang hindi na ito ang nobyo niya noon na nadadaan sa lambing kapag gusto niyang pasunurin at pakalmahin. Nanaig kay Erin ang nerbiyos. Sinubukan niyang buksan ang kabilang pintuan para doon tumakas. Pero mabilis na pumulupot ang dalawang braso nito sa baywang niya at mariin siyang isinandal sa backrest. "Caleb! Ano ba!" Pilit siyang nagpumiglas at kumawala sa yakap ng binata pero malakas talaga