Hindi mapakaling tumungo sa mini bar ng kanilang bahay si Caleb. Kinuha niya ang pinakamatapang na alak at sunod-sunod iyong nilagok. Pakiramdam niya ay masisiraan siya ng bait habang bumabalik sa kaniyang isip ang dalawang beses na pang-iinsulto niya kay Erin at pananakit sa damdamin nito. Ayaw niya iyong gawin sa dalaga. Pero sa tuwing sinusubukan niyang i-approach ito nang maayos ay bumabalik ang lahat ng sakit na idinulot nito sa kaniya. Gusto na lang sana niyang magpakatanga at magpakagago para maging kaniya uli si Erin. Kaso imposible na iyon. Dahil si Kristoff na ang mahal nito at hindi na siya... Madali lang sana iyong matatanggap ni Caleb kung kaya niyang iwasan si Erin. Subalit sa tuwing nagkikita sila ay lagi siyang ipinagkakanulo ng kaniyang sarili. Nawawalan ng saysay ang