"DAMN you, Caleb!" galit na galit na sinuntok siya uli ni Kristoff nang makabangon siya mula sa unang suntok nito. "Napakagago mo para saktan nang gano'n si Erin. All she did was love you." Pinahid ni Caleb ang dugo na naramdaman niya sa kaniyang bibig dahil sa malakas na suntok ni Kristoff. Gusto niyang gumanti. Pero aminado ang binata na may kasalanan siya kay Erin ngayong gabi at noong una silang nagkita. "So do I," mapaklang sagot ni Caleb. "Alam mo rin na simula noon ay wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya. You knew that, Kris. Alam mo kung gaano ko siya minahal, kung paano umikot ang mundo ko sa kaniya. At alam mo rin kung paano ako nasaktan noon nang makipaghiwalay siya sa'kin. Alam mo na ilang beses ko nang inisip noon na mag-suicide na lang. You were my best friend an