DAHIL sa kalasingan kaya hindi na sila natuloy sa motel na sinasabi ni Valentine. Sa mismong bar nang gabing iyon ay naibaling niya sa kaibigan ang dapat para kay Erin... Ang galit at pagnanasa. Naputol ang pagdaloy ng alaala ni Caleb nang isang suntok pa ang dumapo sa kaniyang panga. Batid ng Diyos kung paano niya pinagsisisihan ang nangyaring iyon sa kanila ni Valentine. Ngunit mas ramdam niya ngayon ang katangahang iyon dahil sa mga suntok ni Kristoff. "I told you, Valentine and I was just both drunk that night. Sobrang lungkot ko lang din noon kaya nabaling ang atensiyon ko sa kaniya." Nakayukong napapailing si Caleb. "Pero dahil ako ang nakauna sa kaniya kaya kinailangan ko iyong panindigan, bro. Isa pa, wala na kami ni Erin that time." Hindi kinaya ni Caleb na mag-isa iyong dadalh