Huminto sa paghakbang si Erin nang makarating siya sa tapat ng funeral homes kung saan ay nakaburol ang bangkay ni Vaseline. Ito ang huling lamay at sa loob ng isang linggo ay narito siya para magbantay sa nakahimlay na kaibigan at para alalayan ang ina nito na labis na nalulungkot. Kahit sa huling tatlong buwan ng buhay noon ni Vaseline ay nanatili si Erin sa tabi nito. Tuluyan na silang nagkapatawaran at nagkaayos. Sa kabila ng sakit noon ng kaibigan ay naging masaya sila, kasama sina Caleb at Kristoff. Iyon kasi ang hiling nito, ang mga huling alaala na gusto nitong baunin sa pag-alis. Bukod sa hindi nila ito kayang biguin ay mga puso na rin nila mismo ang kusang nagdesisyon na magpatawad na upang humilom na nang tuluyan ang sugat na dulot ng kahapon. Kaya namaalam si Vaseline