"ANG ganda naman dito, Kuya! Kahit walang kuryente pero ang saya. Ang daming alitaptap," masayang bulalas ng batang si Erin habang sabay nilang pinagmamasdan ni Kuya Rafael ang mga nagliliparang alitaptap. Halos kakakagat pa lang ng dilim nang mga oras na iyon. "Talaga? Nagandahan ka sa lugar?" tanong ng Kuya niya. "Oo nga po. Isa ito sa pinakamagandang lugar na napuntahan ko na." Nakangiting binalingan siya ni Kuya Rafael. "What if dito tayo titira? Walang TV, walang cellphone, walang ref, walang linya ng tubig. O kahit anong makikita mo sa siyudad. Okay lang sa'yo?" Sandaling napatingala si Erin sa kapatid at nag-isip kunwari. "It's fine with me, Kuya. Maganda naman ang paligid, at tahimik, eh. I think I can survive here." Naaliw na ginusot ni Kuya Rafael ang buhok ng bata. "Nasasa