SA kabila ng gutom at panghihina na naramdaman nina Erin at Caleb ay nagawa pa nilang makalabas ng kubo nang may tulisan ang naawa sa kanila at tinanggalan sila ng mga tali sa kamay at paa. Habang nagpuputukan sa paligid ay sumugod si Caleb para lang kumuha ng nilagang kamote na nakita nito sa isang lamesa at dinala iyon kay Erin, na noong mga oras na iyon ay nagtatago sa isang sulok. "Kumain muna tayo kahit sandali lang. Hindi tayo makakalayo rito na nanghihina tayo sa gutom," anito habang binabalatan ang kamote. "Lalong-lalo ka na," nag-aalalang dagdag pa nito at ibinigay sa kaniya ang kamoteng katatapos lang nitong balatan. Tinulungan pa siya nitong isubo iyon nang makitang nahihirapan siya dahil sa panginginig ng kamay. "Salamat," naaantig ang puso na wika ni Erin dahil sa pagmamala