Ang alam ni Erin ay sinusundan siya ni Caleb pauwi sa bahay. Pero nagtaka ang dalaga nang sa paglingon niya ay hindi na niya ito nakita. Nagpalinga-linga siya sa paligid para hanapin ito ng mga mata niya pero hindi talaga niya makita. Babalewalain lang sana iyon ng dalaga kung hindi lang siya nakaramdam ng kakaibang kaba. Parang biglang may bumulong sa kaniya na napahamak na naman si Caleb. Pikit-matang pumihit pabalik sa ilog si Erin para alamin kung naroon pa ba ang binata. "Binigyan pa ako ng problema ng asungot na 'yon, ah. Kung saan-saan pumupunta," naiinis na kausap ni Erin sa sarili. Bumalik siya sa kubo na pinagtambayan nila kanina pero wala rin ito roon. Pati ang palibot niyon ay sinuyod din ng dalaga pero walang Caleb na nagpakita. Nagsisimula nang lumakas ang kaniyang kab