KABANATA 40

2041 Words

PARANG gripo na hindi maawat ang aking mga luha. Simula ng umalis ako doon hanggang sa makasakay sa eroplano, iyak ako ng iyak. Napilitan pa ko bumili ng shades at panyo maitago ko lang 'yong mugto ko ng mata. Sa airport pa lang pinagtitinginan na ko dahil sa suot kong pantulog kaya napilitan akong maghanap ng shirt at pantalon. Isa lang 'yong naisip ko sa mga oras na 'to. Iyon ay ang tumakbo. Mag-isip ng matino. Kasi kung hahayaan ko lang, alam kong babalik ako sa kanya kahit na masakit na. Kung sakali mang humingi siya ng tawad, tatanggapin ko pa rin. Kasi mahal ko siya. Kaya lang hanggang kailan ako hindi patutulugin ng anxiety ko dahil sa ginawa niya maging sa consistent na pag-uusap nila ni Klarisa? Parang nitong linggo lang, kahit halata ko na. Nagpatuloy ako. Hindi ko na alam kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD