NGUMITI ako ng tipid at tumnago ng kaunti bilang pagbati. Ang pangit naman 'di ba kung maglalakad ako at hindi ko siya papansinin samantalang nagkita na kami kanina. Hindi naman siya naging bastos sa akin. Naglakad ako at naramdaman ko na papunta na siya sa direksyon ko. I decided to stop and glanced at him. "Bakit?" I asked politely. Napapikit ako sa lakas ng hangin ng tumabon sa buong mukha ko iyong buhok ko. Napabaling ako sa kaliwa dahil doon. Marahan kong sinikop ang aking buhok bago muli siyang sinulyapan na ilang pulgada na lang ang layo sa akin. "Kanina pa kita pinagmamasdan sa malayo, eh. Hindi ko na matiis kasi kanina pa kita nakikitang umiiyak," aniya sa palawano accent. I cleared my throat and avoided his gaze. Nahihiya ako na nasaksihan niya kung gaano ako kalungkot kanina