KABANATA 42

2008 Words

NAKATITIG lang ako sa harap ng palengke. Hindi ako marunong mamili mag-isa. Noong namalengke kami ni Ate Sita, siya iyong nakikipag-usap, nakikipagtawaran at siya iyong tumitingin kung sariwa ba ang isda, karne o gulay. Taga sunod lang ako at taga bayad. "Olivia? Okay ka lang? Natulala ka na." Tumango ako at hindi ko siya inabala pang tignan. Nanatili pa rin ito sa motor niya habang ako nakatayo at nagdadalawang-isip pumasok sa loob ng wet market. Hindi ko akalain na kakabahan pa ako samantalang mamimili lang naman. Para bang natatakot akong mapahiya kasi wala akong alam. Narinig ko iyong pagpatay niya ng motor niya at naramdaman ko ang pagbaba niya doon. Dinungaw ako. "Hindi ka marunong mamalengke, ano?"  Napakurap-kurap ako at hindi na makatingin sa kanya dahil nahihiya na nasapul n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD