UMILING si Romulo ng tanungin ko siya kung may wifi ba kahit alam ko namang wala kila Nanay Trina. May nasagap akong isa at nagbabakasakali na sa kanya 'yon o sa ibang kapitbahay. Naghahanap lang ako ng paraan para kusa na siya mag-alok sa akin na i-connect ako kung sakaling sa kanya 'yon. "Sa likod 'yan ng lodging house 'yang nakita mong wifi. Magpa-load ka na lang ng internet—O, ita. Order mo," sabi niya habang nag-aasikaso ng orders ng iba. Tumingin siya sa akin pagkatapos. "Hindi kasi ako marunong. Hindi ko alam ano ilo-load?" sabi ko. Lagi kasi kaming naka-connect sa wifi kahit noong nasa apartment kami. May pa-wifi doon, hiwalay sa bayad sa renta. Napakamot ito sa ulo at inutusan muna si Cedric na asikasuhin 'yong ibang nabili dahil tutulungan niya ako sa pag-register ng data. "A